FB ni BATMAN

Saturday, January 10, 2015

Sa Panahon Ngayon

Mahirap na talagang matansya timpla ng panahon ngayon, ika nga nila mamamatay nalang tayong lahat pero tax nalang ang di nagbabago.. Napaisip tuloy ako kailan pa kaya hihinto ang pagbabago..

SA PANAHON NGAYON…
  1. Ang hirap ng magtiwala. Kaya hindi ko rin masisi ang karamihan kung bakit parang normal nalang ang magkaroon ng “trust issues” ang mga tao.
  2. Ang hirap ng maniwala ng wala namang sapat na basehan. Dahil sa huli ebidensya pa rin ang mananaig.
  3. Iilan nalang ang tunay at tapat mong kaibigan. Hindi mo alam may kaibigan ka palang ahas at traydor.
  4. Parami na ng parami ang manloloko sa mundo. Mapa-babae, mapa-lalaki. Walang pinipili.
  5. Kung sino pa ang “kataas-taasang lider” sila pa itong pasimuno sa mga maling gawain. Nakakalungkot at nakaka-disappoint lang kung iisipin.
  6. Dati ‘pag sinabihan ka ng isang tao ng “I love you” o “I miss you” may mararamdaman kang kilig. Pero ngayon parang “Hi!” nalang ang epekto nito sa karamihan.
  7. Sobrang nagiging mapusok na rin ang mga kabataan ngayon. Dahil parami na rin ng parami ang mga nagiging batang ama at batang ina. Lahat nalang gusto nila ma-experience.
  8. Kumakalat na rin ang mga walang kwentang literatura sa bansa. Naiitsapwera na ang mga tunay na literatura. Wala ng aral ang mga libro ngayon, puro pa-kilig nalang.
  9. Nabubulok na rin ang mga libro sa mga estante ng libro ng mga library, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya.
  10. Kung sino pa ang pasok na pasok sa Mr. Panget, sila pa itong malakas mamintas at manlait.
Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon.

Kuha mula sa isang Wierdong Blog


Saturday, January 3, 2015

Hindi Kinaya ng Fabcon

Ang araw na ito ay sabado, at alam mo yung moment na sa dinamirami ng linakad mong mga party dito-party doon, outing galore, reunion pa more and so much to mention wala ka nang susuuting damit. At dahil tipid na ako much dahil inubos ng mga inaanak ko ang barya sa wallet dahilan kung bakit wala na akong panggastos para magpalaudry, napilitan ng inyung abang lingkod na magbalat ng buto using my delicate at banayad na hands, yung masyadong delicate na kahit ang mga kalyo sa kamay ay nahiya na at nagsialsabalutang lahat.

Such sacrifice can be made talaga kung alam mong walang-wala ka na, anyways ganun nga pinagbutihan ko talagang kuluin at ilagay sa washing machine.. hehehe.. Anyways bumili pa talaga ako nung downy na may dalawang bango yung pagkiniskis mo parang may iba na namang bango.. at yun na nga mga frends nang isinampay ko na biglang nagpausok ang grandmama..

Ako: My dear Grandmama, how art thou pausok when thine clothing is ngarag pa...
Grandmama: HA?! (in a confusing tone..)
Ako: Ka'ko bat po naman ngayon pa kayu nagpausok eh timing pa namang ngayon ako ginanahang maglaba..
Grandmama: Ah ganun ba, pampawala ng malas sa bagong taon apo, huwag ka ng magreklamo. Nilagyan mo ba yan ng Downy?
Ako: Opo, with double scent pa..
Gradmama: Yun naman pala eh, tiwala lang apo..
Ako: (CONFUSED)!!

                                  

Kaya ayon yung amoy double scent naging triple scent with a hint of usok.. Di talaga kinaya ng fabcon ang words of wisdom ni Grandmama..



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...