FB ni BATMAN

Friday, April 27, 2012

Massacre

Isang babae ang natagpuang patay sa likod ng Unibersidad ng San Antonio kaninang umaga. Sinasabing mahigit apat na araw na ang bangkay at natagpuan lamang dahil sa masangsang na amoy na umaalingasaw sa silid-aklatan sa naturang paaralan...
Ayon sa pulisya nahirapan silang hanapin ang bangkay, dahil matalahib at matataas ang damo na lampas baywang na ang taas dito sa tinatawag nilang damuhan.
"Wala po talagang pumupunta dito ma'am dahil natatakot kaming may mga ahas at baka matuklaw pa kami, ta's napapabalita din po kasing tapunan po dito ng mga bangkay, at ayan na nga po" Ayon kay Linda isang residente.


Bata pa lang ako at nakahiligan ko nang pumunta sa silid-aklatan, wala kasing gaanong tao, tahimik at malaya kang nakakapag-isip ng kung anumang iyong gustuhin, minsan nga't napasobra ako sa kakaisip di ko namalayang nakatulog na pala ako, napagalitan pa tuloy ako ni Gng. Mariluna ang mabagsik at striktong tagapangalaga ng silid-aklatan dito sa aming Unibersidad. Hahay.. pero ok lang yun basta masilayan ko lang ang napagandang mukha ni Monique.. Hay si Monique, siya ang nag-iisang anak ni Miss Mariluna at ang binibini ng aming kagawaran sa sining at panitikan. Isa din siya sa mga inspirasyon ko kung bakit ako pabalik-balik dito sa silid-aklatan. Ay hala mag-aalauna na pala baka malate na naman ako nito sa klase, buti pa't makikisabay nalang ako kina Monique.

Oi, nabalitaan niyo na ba? Estudyante raw dito yung napaslang kamakailan lang..
Talaga!? Eh di ko naman siya namumukhaan dito sa Unibersidad natin ah.
Eh paano mo naman mamumukhaan aber di nga lubusang makilala kasi purong pasa at nanglulubo na ang mukha, wasak nga ang mukha diba...
Ay may naalala ako, paano yung asignatura natin sa Biograpiya? Di ba't plano nating kumuha dun sa likod ng gusali ng silid-aklatan ng mga larawan ng gamo-gamo't kulisap..
Sabi nila matatagalan pa raw yung pagsisiyasat sa krimen, kaya natural wala tayong pagkukuhanang lugar para sa asignatura natin. Ikaw Monique may naiisip ka na bang paraan kung anong gagawin natin?..
Ha? ano nga ulit yun?
Kanina ka pa nakatunganga dyan Monique ah, para ka atang wala sa iyong sarili? Ano bang tinitingnan mo dyan sa mga saranggola, at parang lumilipad din yang isip mo?
Ah wala 'to, may naalala lang ako.
Baka inaalala niya na naman yung masugid niyang manliligaw... hahahaha..
Utak galunggong ka nga talaga ano, baka may problema lang yang tao, umeepal ka pa dyan..
Hah!? wala yun, sige mauna na muna kayo't magCCR lang ako saglit.
Sige di ka na namim sasamahan at baka malate pa kami.. kita nalang tayo sa klase..

Tingnan mo nga naman tong mga babaing to, iniwan man lang si Monique. "Monique hintay!"
Si..sino yan..?
Ako ito.. isasauli ko lang tong librong hiniram ko sa iyo kahapon.. Ito bang librong Mga Bayani ng Mundo para sa assignment natin sa Kasaysayan. O ba't ka namumutla? para ka namang nakakita ng maligno nyan.

Pa.. papaanong..
Paano ba ka mong nakapasok ako dito? Syempre CR ng mga babae ito diba, parehas naman tayong babae ah..
Hi..hi..hindi.. hindi maaari to.. pa..patay ka na.. pinatay na kita..
Ha!? Patay!? anong patay? sinong patay?  Tingnan mo o.. buhay pa ako diba.. O ito nga o isasauli ko na tong libro..
Hu..huwag.. huwag kang lumapit.. kundi papatayin kita ulit... lumayo kang demonyo ka..
Demonyo!? ako pa ngayon ang demonyo? Bakit Monique? Di mo parin ba kayang tanggapin ang pag-ibig ko sa iyo? Ito nga o hanggang kamatayan sa iyo parin ako..
Huwag... huuuuuuuuuuwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaggggggggggggggggggg...
Napag-alamang isang estudyante rin ng nasabing unibersidad ang natagpuang bangkay sa damuhan. Ang nasabing bangkay ay kinilalang si Grace Areta, na halos di na mamukhaan dahil sa basagang mukha na dulot ng paghampas sa kanya ng suspek nitong bato na nasa gilid lang ng biktima.
Hinuha ng pulisya, isang nagngangalang Monique Mariluna ang sinasabing suspek sa nasabing krimen, dahil sa naiwang necklace na may pangalang Monique na hawak-hawak pa ng biktima, isang duguang libro, at wallet na inamin naman ng suspek na kanyang pagmamay-ari.
Nakita ding nagtalo ang dalawa sa taas ng gusaling ito noong araw bago mawala ang biktima..
Sasampahan ng kasong Homicide ang naturang suspek na kasalukuyang nakakulong na ngayon sa presento ng San Antonio.
Para sa TV Patrol, Sol Aragones, nag-uulat...






Ang inyong nasaksihan ay pawang kathang-isip lamang at walang katotohanan at ito ay isang official entry para sa Bagsik ng Panitik mula sa Damuhan


29 comments:

  1. ang lupit ng twist mo.. love story pero my horror ang dating.. tas may teeeeevvvveeeee PATROL pa kasama!!!
    goodluck sa atin!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah salamat naman :) gudluck nga sa atin :)

      Delete
  2. ayoko ng ganitong kwento.. baka mapanaginipan ko.. hahahaha.... erase-erase sa utak!!!

    NICE!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha talaga bang ganyan katindi ang horror scene.. hahaha salamat :)

      Delete
  3. ayos! Napabasa ko ng matindi dito. Kala ko current events. Tapos tumambling pa sa "Sol Aragones nag-uulat" lol! Ikaw na. Patok to boy!

    ReplyDelete
  4. shoujo ai pala ito. tss nice kakaiba yung style nung sayo

    ReplyDelete
  5. nice! good luck sa entry mo bro! ganda ng story kala ko nga totoo eh hehe...

    ReplyDelete
  6. charoot crops. hahah. naaliw po ako. ^_^ haha. kayo na talaga. lupeeet ng twist.

    ReplyDelete
  7. ahehehehe. nakanamputs sa twist! iba! iba! ayos to!

    ReplyDelete
  8. Napakabagsik at ang sarap basahin.

    ReplyDelete
  9. ui pumanitik din sya, at talagang humabol with a blast, good luck syo brother!!

    ReplyDelete
  10. ayos pre..

    bakit monique?

    bakit?

    hehehe ..

    Goodluck sayo...

    ReplyDelete
  11. Bakit nga ba pinatay ni Monique yung una? Pambihira! Ikaw na. Pinagisipan. Aru...

    ReplyDelete
  12. at guest mo pa si sol aragones ha heheh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha gusto ko sanang si atom pero busy... hahaha

      Delete
  13. Nagbasa. Humusga. Kakaibang takbo ng istorya. Muntikan na akong maniwalang hango rin ito sa balita. Haha! Good luck sa entry.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...