FB ni BATMAN

Friday, June 22, 2012

Monologue: Ang Maalamat na Imaginary Nanay

Noong bata pa ako, parati kong napapanood sa mga talent shows tulad ng Little Miss Philippines o di kaya'y mga reality search tulad ng bulilit kids quest o star struck kids ang kwento ng imaginary inay.

Interior. Sa loob ng bahay. Umaga.

Lalabas ang bata na may dalang bilao/basket/palanggana na may lamang gulay/prutas/toron upang ilako. Sa isip ng bata ay uubo ng malubha ang imaginary nanay.

Bata: Inay! malubha na iyang ubo niyo ah.. kukunin ko na po muna ang gamot niyo sa itaas ng tukador.

Kukunin ng bata ang walang lamang bote ng mineral water, kakalugin upang bigyang-diin na wala nang laman ang gamot. Pupuntahan ulit ang imaginary nanay at hahaplusin ang nanay.


Bata: Inay, huwag po kayong mag-aalala pagnaubos po itong lalakuin kong mga prutas/gulay/toron ay ibibili ko po agad ng gamot ninyo. Sige po inay tutuloy na po ako.

Lalabas sa isang gusot-gusot na kurtina ang bata upang ilako ang kanyang dala. Pero babalik kaagad ang bata ngunit ngayon imbes na bilao/basket/palanggana ang kanyang bitbit mapapalitan ito ng isang supot ng pansit na nakabalot sa isang plastic cellophane na kulay puti. Uuwi ang batang may ngiti sa pisngi dahil nawala ang bilao at napalitan ng supot ng pansit, ngunit nakalimutan niyang bumili ng gamot dahil pansit lang talaga ang laman ng supot.


Bata: Inay, nakabalik napo ako, at tingnan niyo naubos po lahat ng paninda ko, may panghapunan na tayo para sa kaarawan ninyo mamaya. Tingnan ninyo, may dala akong paborito ninyong pansit.

Mabibigla ang bata dahil makikikita niya ang kanyang imaginary nanay na nakahiga na sa sahig. Malalaglag ang kanyang dalang supot at tatakbo sa kanyang inay. Biglang iiyak.

Bata: Inay!? Inay?! gumising po kayo inay. huwag niyo po akong iwan. Inaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyy!

Pagnarinig na ang cue ng pagsigaw ng bata ng inay ay magpapalakpakan na ang lahat ng mga tao.




Natatawa pa ako noon kasi paulit-ulit lang ang nag-aarte nito noon, iba-iba nga lang ang dalang panlako at bote ng gamot.

Buti nalang ngayon di na ginagamit ang gasgas ng Kwento ni Imaginary Nanay.

61 comments:

  1. sa mr pogi na gagamitin yang eksena na yan hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha buti nalang di ginamit.. pero gusto kong makita.. hahaha

      Delete
  2. nakakatuwa. pwede gawing declamation piece. tapos gagamitin sa mr.pogi o kaya sa calendar girls.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... iba din pag-iisip niyo ano.. hahaha

      Delete
  3. oo nga .kawawa lagi yung bata dahil si imaginary nanay ay may sakit at hindi makapagtrabaho ,tapos pag uwi pa ng bata pahirap or patay ng dadatnan si nanay .sabay iyak ay sigaw tapos ibang eksena na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. tama... parang sa murang edad kailangan na kaagad ng ganyang eksena.. hahaha

      Delete
  4. Hahaha totoo yan!!! Meron pang script na "Inay, may dala akong pansit, pero mas malamig ka pa sa pansit!"

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. napanood ko din yan minsan.. hahaha

      Delete
  5. OO nga. Pwede rin yung pansit pagkatapos iwan ang nanay na may sakit poara pumunta sa isang handaan. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... iba din ang script nito.. hahaha

      Delete
  6. hehe kakatuwa :) naalala ko imaginary fwend ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ngek.. may imaginary friend ka? hehehe.. hangang ngayon ba buhay pa siya? hehehe

      Delete
  7. haha naalala ko eto ah..
    old skul.
    auz pre

    ReplyDelete
    Replies
    1. prang ung nsa Mr. Pogi.. si Jose ung gumamit... hahahaha..

      Delete
  8. Oo nga, paulit ulit na lang. Pabilisan lang umiyak. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... iwan yan kasi sinasaksak sa utak ng mga kabataan.. kung mabilis umiyak makukuha agad.. star agad.. agad-agad? hahaha

      Delete
  9. Haha! Uso parin ito ngayon sa mga school.

    ReplyDelete
    Replies
    1. d ko na kadalasang nakikita... hehehe

      Delete
  10. haha oo nga gas gas maxado ung monologue na yn haha peo epektive pa din nmn kung minsan

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe... pero kung ganitong paulit-ulit pangit na.. hehehe

      Delete
  11. Naka-relate ako, sobra. Ganito din ang pinapanood ko noon. "Inaaaaay!" Wow, dead na pala si inay, kawawa naman.

    ReplyDelete
  12. Classiccc! At wala nang masyadong gumagamit ng word na "tukador" ngayon.

    ReplyDelete
  13. Naaalala ko pa ito dati nung madalas akong manood ng Eat Bulaga. Mabuti na nga lang may ibang alam ang kabataan ngayun bukod kay Imaginary Inay. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. pero ngayon di na nila nagagmit yung imagination nila kasi wala na si imaginary inay.. hehehe

      Delete
  14. hahaha gasgas na gasgas na nga ang kwento ni imaginary inay. wahaha

    ReplyDelete
  15. matagaltagal ko na ring hindi naririnig tong kwentong ito ni imaginary nanay, salamat sa pagpapaalala. Kung sino man ang unang nakaisip ng ganitong eksena karapatdapat bigyang ng life time achievement award haha

    ReplyDelete
  16. at madaming artista ang na discover sa mga talent shows..si Pauleen Luna nga yata sumali yan noong bata pa sa pa contest ng eat bulaga.....tapos parang naging sila ni bossing vic,hehe..

    ReplyDelete
  17. MInsan nakakatawa na lang panoorin ang mga batang napipilitan yatang tuparin ang mga naunsyaming pangarap ng nanay nila. ha! ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. tama.. parang ang mga magulang pa yung nagdadrama.. hahaa

      Delete
  18. i think this is still use in the movies hahaha.. kagabi pinapanood ko yung the chronicles.. similar story.. yung isang main actor may sakit din ang nanay.. tapos malubha na nanay walang gamot wala rin pera kaya ayun lumabas sya ginamit ang natatagong powers at nadisgrasya sya. paggising nya patay na ang nanay nya..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah the chronicles pa talaga... at hanggang sa Hollywood gamit parin.. hahaha

      Delete
  19. Haha, the good old script. Marami na rin nanalo dahil kay imaginary nanay.

    ReplyDelete
  20. Oy wag ka malayo na narating ng mga former contestants dhel sa Imaginary Nanay hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. tama.. hahaha.. ang iba may mga anak na rin nga.. hahaha

      Delete
  21. Ang "monologue" ang classic na pamamaraan ng mga contestant upang ipamalas ang kanilang ipinagmamalaking husay sa pag-arte.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mali ba spelling ko? hehehe sorry...

      Delete
  22. hehehehe! maniwala ka man o hindi, inasam kong sumali noon sa Little Ms. Philippines, at talaga namang pinag-praktisan ko din yan eksena ng pagkakaroon ng 'imaginary nanay'... fulfilling ah! Nakakatawa man, pero talagang na-experience ko toh noong bata pa ako. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... ayus parang may artistang napadaan sa blog ko..hehehe

      Delete
  23. Nakakaloka si imaginary mudrackles! hahaha! OO nga tumpak! Yan na yan un mga acting workshops nun mga bata noon na mga mother lily na ngayon~ Ay teka si Aiza wit pala nagtransform into a mother figure naging father figure na =)) Sorry naman si Aiza kasi ang naabutan ko sa Little Miss Philippines~ naaliw ako dito sa post mo kaya bongga ang comment~ =)

    ReplyDelete
  24. hahaha this is really the scenario for kids who try to get to acting, pero true, gasgas na nga. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... iyan lang kasi mga alam ng nanay nila..

      Delete
  25. kapag naubos na ang paninda ay masayang uuwi bitbit ang isang balot na pansit at nalimutan nang bilhin ang gamot!? Hehehe Made me smile!! You've got it! Tama nga naman!!

    P.S. next time, spaghetti naman.. at saka bottled mineral water...ooops at saka gamot : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... nakalimutan niya kasi.. hahaha

      Delete
  26. Haha. Nataw ako dito. Kumbaga, generic na eksena na ito. Hahaha. pero kadalasang nagwawagi pa rin ang umaarte neto lalo na kapag may luha talagang lumabas. Hahaha. "inay, bat masmalamig ka pa sa pansit na dala ko. "

    ReplyDelete
  27. naalala ko ang libro ni BobOng. hehe. Nice :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay oo nga ano.. parang katulad doon sa lumayo ka nga sa akin...

      Delete
  28. Agree! saw this scene a lot of times sa mga talent shows but I don't remember anyone winning that particular contest.

    ReplyDelete
  29. yung s school program nga dati, nasa ataul n yung imaginary nanay nia pagdating nia sa bahay. ewan ko kung saang lupalop ng mundo naglako yung anak, kc nka-ataul na, prang 5MBPS ata yung serbis ng funeral home...hehe pero di yun monologue ah. pero gnung eksena p rin. panalo talaga!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...