Matapos kalbuhin ng lolo, di na nagtiwala ang mga magulang ko sa kredibilidad ng kanyang pagupit, matagal daw bago humaba ulit buhok ko charo pero yun nga lang di na manipis kundi makapal na. Kaya naman si erpats nalang ang umako ng panggugupit sa akin. Dalawa lang ang fashion trend ni erpats when it comes to buhok kung di ako nagiging pari eh may bunot naman ako sa ulo. Minsan din tumatagilid yung hairstyle ko kung medyo palyado ang gilid at minsan naman may mga butas ang buhok ko, how cool is that di ba.
At dahil nga matalahib ang buhok ko pinamahayan ito ng maraming-maraming-maraming kuto, so eiw right, kaya naman pagsyesta time ginagawa nila akong kabilang sa kanilang past time habang di pa sila nakatorno sa break game. Kaya naisip narin ni erpats na gawin ang kabaliwan nila ni loloski ang kalbuhin ako. Nawala nga lahat ng alaga ko pero nawalan narin ako ng tiwala sa kanya.
This time si ermats nanaman to the rescue, inerefer niya ako sa aming kapitbahay na sabi niya barbero daw. Pero sa tingin ko ako lang naman ang ginugupitan nun, sampong piso sa isang gupitan ang nagmumukha na akong punks. Customized palagi ang pagkakagupit sa akin, kung ano ang trip ng kapitbahay namin eh yun din ang hairstyle ko. Kaya naman napakasaklap ang paglisan naming dalawa dahil nung naggrade six na ako di na pwede ang customized punk, kailangan naka 2 by 3 daw at nakamalas dun eh lahat ng style alam ng kapitbahay namin pero ang barber's cut o di niya alam, my gosh the irony.
Pero ngayon gusto ko atang maiksi lang ang buhok ko, bagay daw kasi sa mga bilogang ulo, lalo daw akong gumagwapo, hahaha at yes po nagpapauto ako palagi. Di din naman kasi bagay sa akin ang pahabain ang buhok ko dahil di naman ito humahaba kahit gustuhin ko man, kakapal pa ka mo. Kaya nga napag-isip-isip ko mas ok pa palang parang bunot yung hirstyle ko dati kaysa parang pugad lang ng ibon o minsan kaya parang bagong gising lang kahit anong suklay nag-uumiglas.
![]() |
| Di akin yan, Di rin ako yan |

ahihihihi, atlist makapal ang buhoks mo. pwede mo pa-style sa stylist :D
ReplyDeletedi naman ako mahilig sa mga style-style na ganyan eh kaya nga barbers cut lang at skinhead alam ko.. hahaha
Deletehehehe buti ka nga makapal ang buhok ako manipis eh!
ReplyDeletePAREHO TAYOOO! sobrang nipis din ng buhok ko! yung mga tipong pag pumunta ng bar magiging mukhang basang sisiw ang itsura ko!
Delete@iya at Nyabachoi - mas gusto kong yung manipis kasi nakakaubos ng budget sa shampoo ang makapal ang buhok.. hehehe
Deletehaha ako araw arwa ko ata tinitrim buhok ko kasi feeling ko araw araw xang kumakapla haha
ReplyDeletehahaha di kaya araw-araw ding kakalbo yan.. hahaha
Deleteako rin kumakapal lang ang buhok ko, hindi humahaba, bagay sa yo maikli, may nakita akong pic mo na ganun ang gupit, and yes bagay sa yo yung style na un :))
ReplyDeletehahaha.. sabi nga nila.. hahaha... salamat :) bumuka yung dibdib ko lumabas ang heart.. hahaha
Deletekwentong barbero nga.
ReplyDeleteun sakin nman nhaba at ng uso ang hating buhok o kempee kung twagin ay npahaba ko n rin ang buhok ko ksu tabingi nman ang ulo ko...
hehehe ok lang yan...
Deletehaha. wala akong alam sa mga hairstyle ng mga lalaki. ^_^
ReplyDeletehahaha pati din ako walang alam sa hairstyle ng mga babae.. hehehe
Deletedi pa ko nagpapagupit hahaha
ReplyDeletehahaha... pagupit ka na.. hahaha
DeleteAko naman yun tita ko nag guigupit sa akin tapos lagi ako iiyak kasi ang pangit lagi ng gupit nya sa kin hahahha
ReplyDeletehahaha feel you bro...
DeleteAno yung break game?
ReplyDeletehahah brick game hahaha.. sorry naman...
Deleteang gusto kong malaman at ma-imagine ay kung anong itsura talaga lahat ng mga inexplain mo.. i deman pictures.. ako lang naman yun.. so hindi mo naman kailangan gawin.. ngunit kung sakaling mapagtripan mong gawin..ipagbigay alam lamang.. :)
ReplyDeletehahaha... nahihiya ako kasi pagit na ako ngayon... sa susunod na pagnaging katawang model na me.. hahaha
Deletena miss kong bumisita dito sa bahay mo tukayo, medyo busy busihan kunware, this august back to blogging na hopefully
ReplyDeletehehehe ok lang yan tukayo mga 9 post lang naman ako ngayong buwan kaya ok lang magback read.. hehehe...
Deleteok din naman ang 2 by 3 na pag gupit....sino kaya ang bata na iyan sa pic..
ReplyDeleteewan hahaha nakuha ko lang yan sa internet.. hahah
Deletenung bata ako, sa kapitbahay lang din ako pinapagupitan ng erpats ko. yosi lang kasi ang bayad. haha.
ReplyDeleteapir tayo dyan.. hahaha
DeleteHaha dati pasalon salon pa ko pero ngayon kungsaan mura gowww!
ReplyDeletehahaha... natoto ka na sa buhay.. hahaha
Delete