FB ni BATMAN

Tuesday, October 23, 2012

Singapore Chronicles: Sa Himpapawid

Namiss niyo ba ako?.. hehehe pamatay ipis lang ang tanong di ba.. wagas kung makamiss... pero anyways namiss ko talaga kayong lahat.. dalawang buwan ding nakatigang ang blog ko dahil naman po panirang trip tong bakasyon sa Singapore lang naman ang pinagkakaabalahan ng inyong lingkod... at kahit 12 days lang iyon eh di ko maexpress ang paghanga sa bansang mas maliit nga pero siksik liglig at umaapaw naman sa kagandahan.

Dear ate charo, marami po akong experience na di ko po makakalimutan.. lalo na po ang unang beses na pagsakay sa eroplano.. at charo ngayon ko lang po nakita ang sariling di ko akalaing magagawa ko po.. nahihiya po akong sabihin charo.. na grabe ang ingay ko pala sa airplane hahaha... tado first time ko yun pero perfect walang nausea, wala ring pressure sa tenga kaya perfect na perfect... pero yun nga po ang ingay ko po.. parang umabot hanggang buntot ng airplane ang kaingayan ko at mas malakas pa raw sa motor ng eroplano ang boses kasi the energy kahit ang flight namin maagang-maaga pero woh.. siguro dahil gumising lang ang katawang bukid ko.. meaning naignorante lang ako sa feeling na nakasakay ako sa eroplano... at di lang yan ate charo kasi hanggang sa pangalawang airplane na higit 3 oras papuntang Singapore eh alive pa rin me... walang patutyadang bully ng bully sa magaling kong best friend dahil siya itong halos taon-taon nang nag-aairplane at labas-masok lang sa Singapore eh siya pa itong tinamaan ng airpressure sa tenga.. hahaha parang di sanay.. buti pa mi nangangarap pa nga lang pero boyscout kasi nagpapractice na sa mga basic gawin upang di magkapressure yung tenga.. hahah parang tanga lang po akong nagpapractice niyan sa bahay... hahaha...

At siguro di lang sa akin nangyare yun pero buo ko pong ipinagmamalaki ate charo na first time ko ring makasakay ng dalawang eroplano sa isang araw... yes i know right... nobody cares pero yes i care.. hahaha... achievement unlock yun... at kahit di man nakatungtung pero sa isip ko lang ha.. limang bansa din yung napuntahan ko sa isang araw kasi bale mula Pilipinas nakapasok yung airplane namin sa area of responsibility ng Indonesia, Brunei, at Malaysia hanggang nakapasok ng Singapore so ilan na yun di ba lima.. hahaha.. ang tanga ko lang...

Ngayon ko lang din nafelt na hate ko na pala ang kaulapan charo... ang hirap maexplain kasi tuwing daran kami sa isang kumpol ng ulap eh parang dumaan din kami sa malubak na kalsada. Pero in fairness charo naeenjoy ko yung parang mahuhulog kami tas may parang titili kasi di niya matake.. hahaha iwas lang kasi sa kape maam ang nerbyos niyo...



Nagmamahal ang suwail,

29 comments:

  1. Haha inggit naman ako, sa Pilipinas lang kasi nalilibot eh ikaw nag-Aamazing Race ka na pala. Saka tingin ko, kahit na ilang beses ka na nakaksakay sa erplane, matatakot ka pa rin tuwin dadaan sa loob ng ulap. Haha kawawa naman si madame na tumili. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha balang araw will.. ikaw pa na halos na ata buong pilipinas na nalibot mo.. hehehe

      Delete
  2. chong welcome back hahahaha.. pasalubong hahaha... natawa ako sa post mo na ito.. wagas ang ingay mo airplane eh.. at ingit ako hahaha....

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha nako naubos na.. hehehe... weeee... huwag kang mainggit makakapunta ka din dyan.. hehehe

      Delete
  3. welcome backs!!!! hantagal mong nawala.

    anahaba ng bakasyones mo sa sg, 12 days! minsan, masaya din kapag sa ulaps dadaans, yung feeling na its so fluffy! pikit na lang kapag parang malubak ang feelings

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha parang sanay ka talaga sa fluffy stuff.. hehehe

      Delete
  4. ayun bumalik din sa blogging!!! ang tagal ah 12 days sa SG! astig :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe... oo nga eh... isinulit ko na talaga... para walang masayang...

      Delete
  5. wew! welcome back dodong kiko!!!

    kaya naman pala mejo walang post eh nagbakasyon ka pala ng bongga..

    kwento at pictures ha?! ^____^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah oo naman sayang yung mga nonsense na kuha ko mula doon.. hahaha ang weird ko lang.. hahaha

      Delete
  6. Congrats sa iyong first time namiss ka namin a!

    ReplyDelete
    Replies
    1. weee.. salamat naman.. hehehe at nakakamiss pa ako... hehehe...

      Delete
  7. welcome back!=D ikaw na ang napadaan sa limang bansa hihihi =D

    nung first time kong sumakay ng plane papunta bicol sumakit at humina lang ng bonga ang tenga ko di ko alam yung pangontra eh hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabi nila parang lumunok ka lang ng laway parang ganun lang daw ang gagawin mo.. effective yun.. hehehe

      Delete
  8. Bakit hindi ka nagparamdam sa 'kin nung pumunta ka dito?!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe pasensya na po.. kasi naman di ko alam kung saan ako makakakuha ng internet kasi naman po masyadong mahal ang internet sa lucky plaza.. hehehe

      Delete
  9. Congrats naman sa limang bansang nadaanan mo! Nakakaaliw ka naman hahaha

    ReplyDelete
  10. Welcome back :) namiss kita. lol. Ikaw na nagSSG. Nasan ang pasalubong ko?

    ReplyDelete
    Replies
    1. weee... salamat... hahaha ubos na sa airplane pa lang pabalik.. hehehe

      Delete
  11. ahaha ako kaya panu mafefel ko if ever makasakay na ko ng plain hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha hindi nasasakyan yun.. hahaha... pero anyways kung masasakyan yun makakaexperience ka din.. hehehe...

      Delete
  12. wow! limang bansa in one day? hanep! ikaw nah talaga kiko. hhehehhe. 45 min lang ako nakasakay ng airplane ayoko nah. hahahaha. nice meeting you. ngayun ko lang na visit tong blog mo


    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi nice knowing you din.. good at nakavisit ka.. :)

      Delete
  13. hoy pareng kikko! namiss kita ah. pakiss nga! balik ka na ulit para may kakulitan kami. :P pasalubong ah?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe nakabalik na ako.. weee.... hehehe.... pero wala ng pasalubong.. ehehhee

      Delete
  14. welcome back tol! feeling close. haha. congrats at naka-airplanes na you. Super duper inggit me!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe madali lang yan... punta ka ng mga site na may promo piso fair.. hehehe

      Delete
  15. hahaha kaaliw! saya namang ng ecperience mo para kalang nasa them park lols

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...