FB ni BATMAN

Tuesday, May 29, 2012

Opinion

Maraming tao ngayon ang nawawalan ng karapatang magbigay ng kanilang opinion. Judging kasi sa mga tao ngayon pag di nila natake ang opinion mo sa kahit anong larangan ng buhay. Pero dapat naman siguro di tayo bumatikos sa kahit kaninong opinion baluktot man yun o tuwid. Kasi pagsinabi nating opinion wala namang tama o mali diba, ang meron lang kung matatanggap mo ba yun o hindi, kung kanais-nais ba siya sa pandinig o nakakasuka.

Katulad ng kasabihan nating huwag mangialam sa buhay ng may buhay, ang opinion ay ganoon din. Minsan kasi pinanggagalingan ng bangayan at away ang magkasalungat na idea at opinion tungkol sa kahit anong bagay.

Halimbawa nalang ng pagbatikos sa mga hinahangaan nating personalidad dahil lamang sa kanilang pananaw sa buhay na di naman sang-ayon ang iba. Binabatikus ang mga taong di sumasang-ayon sa pagbabago at pinipilit paniwalaan ang kung ano mang gustuhin nila.

Ang isang opinion ay nabubuo sa pamamagitan ng paniniwala at paninindigan ng isang tao, kung paano sila pinalaki at at uri ng mga taong nakapaligid sa kanila. Kung ang isang tao ay pinalaki na may takot sa Diyos at lumaki na may ihemplo ng simbahan magkaiba talaga sila ng paniniwala sa taong walang pinaniniwalang Diyos o mga taong walang pakialam sa relehiyon.

Moralidad ang pinag-uugatan ng kadalasang pagbabangayan ng mga tao ngayon. Ang opinion nila kung ano ba ang tama o mali. O kaninong opinion ang tama o mali.

Galing Dito

Ikaw gaano ka kaaffected sa lahat ng mga pangyayari ngayon?

Ito naman ang paniniwala ko kung nakabukas ang pinto syempre Opinion, Conclusion nakasarado naman..

Thursday, May 24, 2012

Temperament: PhlegSan, PhlegChlor, PhlegMel

Pagpasensyahan niyo na po kung medyo natagalan ang pag-update sa pinakhihintay ninyong temperament... Anyways andito na naman tayo sa pinakahuling temperament kaya huwag na mainip baby,..

Sa huling bahagi ang pinakahihintay naman nating Phlegmatic ang center stage.. pinakahihintay din ito ni Khanto Phlegmatic combo daw sabi niya.. hahaha



Phlegmatic - Sanguine (PhlegSan)
Ang pinakamadaling pakisamahan sa lahat ng temperament dahil sa katangiang masayahin, maaalalahanin, matulungin, kalugod-lugod, mababait at mga joker. Malapitin sa mga bata at matatanda at kahit saan man magpunta di siya nagpapakita ng any negative image dahil wala naman talaga siyang bitter side. Yun nga lang marami din siyang medyo segway sa kanyang buhay tulad ng madali siyang paghinaan ng loob, at madalas pinapapalampas ang mga magagandang opportunities na dapat sana ay sa kanya. Wala kasi siyang kaeffort-effort as in literally di siya mahilig gumawa ng mga bagay na dinadaan sa effort gusto niya palaging madalian lang at yung kaya lang niya. Isang malaking sagabal din sa buhay niya ang takot sa lahat ng bagay either opportunities man yan o problems. Madalas kasing naiisecure ang mga taong ito parang may machine of insecurity sa utak na kahit di naman o wala naman dapat ikainsecure eh sila na mismo ang gumagawa.

Phlegmatic - Choleric (PhlegChlor)
Ito naman ang pinakaaktibo sa lahat ng mga Phlegmatic type na makikilala mo. Di din siya yung masakit sa ulong Choleric dahil may blend nga ng Phlegmatic kaya naman magaling din to sa pakikipagkapwa tao at mas magaling na leader dahil di niya iniinsist yung gusto lang niya nakikinig din siya sa iba. Magaling na tagapay, mga simpleng bagay at praktikal lang kasi ang binibigay niya which is kung ano yung kailangan mo yun yung ipapayo niyang gagawin mo. Weakness nga lang nila katulad din ng ibang Phlegmatic hate nila ang problema dahil nga siguro sa madali lang silang paghinaan ng loob. Isa din sila sa mga prone ng pagiging boring ang life. Mahilig kasi sila sa mga passive situation which is hanggang sa pagtanda nila pati sila nabobored na rin. At pagnagagalit sila di sila tulad ng choleric na sasabog kaagad sila naman eh the silent tratment kung baga... ikaw yung pasasabugin nila sa galit kasi di na yan iimik forever.

Phlegmatic - Melancholic (PhlegMel)
Ang pinakatahimik at pinakamahinhin sa lahat ng temperament, di yan nagagalit o di nagpapahiya ng ibang tao at sila din yung mga type ng mga taong naririnig mong nagsosorry sa lahat ng bagay kahit wala naman silang kinalaman. At katulad ng lahat ng Phlegmatic most prone din sila ng pagkapassive na kung minsan napasobrahan sa di pag-imik ay sinisisi niya yung pamilya niya which leads to rebellious ng mga anak. dahil nga di naman niya ugaling mangialam kaya pagsiya na minsan ang umiimik na gagalit na yung mga tao sa paligid niya. Sila din sa lahat ng mga temperament ang di nangingialama sa buhay ng may buhay at mismog di sila nangingialam kahit pag-utosan mo pa. ang gusto niya di nadadamay sa kung ano mang responsibilidad na nakapaligid sa kanya. Yes yan nga ang mga taong Passive- Aggresive.










At dahil nandito naman lang tayo sa pinakahuling bahagi ng ating palabas ibibigay ko na ang Temperament test na matagal niyo ng hinihintay.

DISCLAIMER lang po: di po sa akin ang test na yan at nakuha ko lang po sa internet.

INSTRUCTION

Dahil sa mga nabanggit may mga instruction po tayo kung paano kumuha ng test.
1.) Idownload ang Link ng Test na makikita sa ibaba pagkatapos ng instructiong ito.
2.) Para di tayo magiging bias sa sarili humanap ng dalawang kaibigan na kasama mong magtatake ng test. bigyan mo din sila ng copy para naman alam din nila ang kanilang temperament, pero paunahin mo muna silang sagutan ang test para sa iyo.
3.) Icompute at iaccumulate ang resulta.
4.) 60-40 base kung ano yung mataas na puntos yun yung primary temperament mo, ang maliit naman yung secondary kung sakaling 50-50 yung result eh di swerte ka.. hahaha

Narito po ang Link Temperament Test

Friday, May 18, 2012

Temperament: MelSan, MelChlor, MelPhleg

Now,now,now don't be too excited if parang feeling niyo ang mga nababasa niyo eh parang ugali niyo na, huwag muna po hanggang nasagotan niyo na yung questioner to test your temperament. After the last set of the temperament i'll attach the questioner so take it easy man. Anyways, we'll go ahead sa pangatlong set, if the Melancholic has the higher blend than the other temperament.


Before we start sana naman po maging open minded po tayong lahat na ang nilalagay po nating emo or may mabanggit man akong word na emo dito hindi ibig sabihing kinukutya ko na or ginagawang negative sila, and i'm not also talking about fashion here.. but we're talking about emotions, manegative man o positive it's emotion.

Melancholic - Sanguine (MelSan)
Dahil nangunguna na ang mga melancholic dito i'll be getting straight to the point here.. basta may halong melancholic at lalo na pag melancholic has the strongest blend, they all have the potential to be mood swinger like melsan. Melsan's are very good professor and even popular one dhil nga sa katangian nilang they could easily get the facts right and with emotion ang pagtuturo ha na naiintindihan at mararamdaman mo talaga kung ano ang gusto nilang ituro. Production companies also hires them for production control and analysis kasi magaling din sila dun. Sa pamilya naman they are very loyal and to their partners and are devoted parents, so ibig sabihin di sila prone sa pangangaliwa. Gifted musicians din sila like boom their goes your ovary good. So lets go down to emottions, bilang mga mood swinger sila naman ang may pinakainteresting na magmood swing natutuwa kasi sila pagthings go there way but if not like they are being neglected, rejected or insulted na sila yung mga taong nag-seselfpity. Bad side kasi sa kanila eh pagdi nila gusto yung mga pangyayari or things not go their way di na sila magcocooperate na sometimes may pagkaimpraktikal na. Magagaling sana sila lalong-lalo na sa pag-aaral yun nga lang mga insecure tas medyo mababaw ang tingin sa sarli dahilan kung bakit di nila napapalakas ang kanilang potentials.

Melancholic - Choleric (MelChlor)
Ang mga matatapang sa mga mood swingers, pinanggagalingan ng mga magagaling na attorney natin ngayon dahil sa kanilang talas at galing mangisip. May katangian din silang ang alam nila ay pinapaalam nila sa iba.. literally... na minsan nagiging hambug sa ibang tao. Pero pagsinabing leader magagaling tong mga to. Like in a politics pwede silang maging chairman of the board di yung nag-eerase ng eraser but those real chairman. Sa sports naman sila yung magagaling na coach and captain. At sa music naman sila yung mga conductors and leaders. Kahinaan naman nila ay ang mga taong mahirap pakisamahan sila kasi yung mga taong once negative na yung thinking nila sa isang bagay o isang tao di na yan magbabago forever. Sa kanila siguro nanggagaling yung katagang you cannot please everybody. Though sila lang sa mga melancholic ang di nagtatagal sa depression stage eh sila naman yung mga first honor na unang nakakarating dito. Kung ang mga MelSan ay prone sa self-pity, ang MelChlor naman ay prone sa self prosecution at criticism  

Melancholic - Phlegmatic (MelPhleg)
Kung sa utakan naman ang paglalabanan ang mga melphleg ang pinakamahusay dyan.. like literally sila na magaling sa Medicine, Education, Architecture, Engeneering, CPA, etc. name it they have it. Pinagsama kasi sa kanilang blend ang analysis at perfectionism kaya ganyan sila ka wagas. Ngunit kahit ganito sila kagaling ironic naman yung kahinaan nila, madali kasi silang paghinaan ng loob at medyo pessimistic din. Feeling din sila wala silang mga pakinabang kaya naman pagfeel na nila ang ganoong moment nagiging uncooperative na sila sa grupo at bilang mood swinger sila naman ang may matitigas ang ulo sa kanila pagsinabing ayaw, ayaw na talaga nila forever. Sa trabaho naman madali lang silang makunsensya na to the point wala na silang panahon sa kani-kanilang pamilya lalo na pag na pressure ang mga taong ito. Ito yung mga taong tataposin na muna nila lahat bago umuwi. Di kasi sila nakakapagrelax kung may iniisip pa silang trabaho.

Tuesday, May 15, 2012

Temperament: ChlorSan, ChlorMel, ChlorPhleg

Mas marami pang variety depending on the blend ang temperament, pero lets base it on the 60-40 percent base. Pero paano mo naman makukuha ang ganitong percent? Well just see your nearest psychologist.. anyways lets go back to other type of temperaments.. Punta naman tayo doon sa mga blend where Choleric has the greater mix.




Choleric - Sanguine (ChlorSan)
Pangalawa sa pinakamalakas na temperament when it comes to extroverts. Like they can almost sell anything. They are also great motivators and debaters, kahit alam nilang wala na sa punto or yung mga facts nila ay mali mananalo parin sila dahil sa kumpyansa nila sa sarili. Dahil sa pagiging straight-forward pwede silang maging isang military. Minsan mahilig din silang mag-umpisa ng mga gawaing di naman nila matatapos, kaya pinapagawa nila sa iba, yun nga lang pag hindi rin natapos ng mga napag-utusan niya, he'll judge and prejudice them easily kahit di naman dapat, they are also too proud for being sarcastically frank. Mahirap din sa isang partner na makasama ang isang ChlorSan dahil makakafeel ka talaga ng pagiging useless at parang di ka niya mahal, katulad ng mga anak at asawang nakikita mo sa mga telenobela kaya nagiging parang mga puppet na ang kung sino mang nakapaligid sa kanila dahil natatakot sa parents o asawa na chlorsan.



Choleric - Melancholic (ChlorMel)
Ubod ng kasipagan naman ang lalabas pagpinagsama ang choleric at melancholic dahil sa pagiging crafty ng melancholic at pursigido ng choleric nakakagawa sila ng almost anything kung pipilitin. Magaling silang mga leader dahil nga sa katangiang ito na nakakagawa ng halos imposibleng bagay. Kung pagiging military ang dapat sa mga ChlorSan ang mga ChlorMel naman ang strategist bagay sila maging platoon commander or strategic general dahil magaling sila sa strategy. Sila din ang dahilan kung bakit may mga debaters dahil sa gusto nilang palaging may arguments kahit wala ng saysay ang pinag-uusapan. Strikto din sila pagdating sa pamilya pinipilit kasi nilang maging isang dictador kaya kung puppet ang sa taas sila naman ay napupuno ng mga rebeldeng anak.



Choleric - Phlegmatic (ChlorPhleg)
Iba naman ang katangian ng mga ChlorPhleg dahil sila naman ang mas magaling sa administration. Di sila sing galing o sing sipag ng dalawa sa taas pero magaling siyang magbigay ng task sa iba ng walang kahirap-hirap. Ang motto nila "Ba't gagawin ng isa ang trabaho ng sampu kung kaya naman ng sampu na gawin ang trabaho.". At sila ang pinakamadaling pakisamahan sa tatlo dahil di ka nila gagawing walang pakinabang bagkus sila pa mismo ang nagiging dahilan ng pagiging pursigido mo. At sa tatlo sila naman ang may pinakamagaling na maghandle ng pamilya dahil nga sa pagiging administrator nila, di sila strikto di ka din nila icocontrol. Weakness lang nila ay ang pagiging matigas ang ulo at pagkimkim ng galit. 

Monday, May 14, 2012

Temperament: SanChlor, SanMel, SanPhleg

Dahil wala naman talagang inborn na pure breed sa mga temperament na nabanggit kaya may kaukulan tayong other 12 temperaments pa... Ang ibang temperament ay magkahalong temperament mula sa apat na major temperament... kaya naman nagtatataka kayo kung bakit gan'tong temperament ang katangian niyo pero andun naman sa ibang temperament yung weakness niyo... kaya ito na po ang labing dalawa pang temperament na sa tingin ko mas babagay na talaga sa ugali niyo...

Combination of two temperaments ang kadalasang bumuboo sa 12 pang temperaments depende nalang kung anong temperament ang mas dominant sa dugo mo. Sa pagkakataong ito uunahin natin ang Sanguine.. If sanguine is the dominant part of your blood mix with other temperament...



Sanguine - Choleric (SanChlor)
Dominante ang pagiging sanguine pero may pagkacholeric ng slight, at sila ang pinakastrongest people sa lahat ng mga extroverts. May pagka people-oriented dahil sa sanguine pero mamamanage nila lahat ng tao dahil may pagkacholeric.. Kung baga sa trabaho magmumula sila sa isang sales and promotion hanggang sa isang corporate sales manager dahil ganun sila kagaling maghandle ng kanilang customer. Kadalasan din ng mga lalaking sanchlor ay mga sports enthusiast dahil narin sa pagiging uhaw sa mga activity. Prone din sila sa katagang think before you say dahil minsan di na nila iniisip ang kanilang sinasabi dahil sa una sobra nilang bilis magsalita, pangalawa dahil gusto nilang parating pabida at paepal sa lahat ng conversations.

Sanguine - Melancholic (SanMel) 
SanMel are very emotional people, sabihin nalang nating mga taong mabababaw lang ang luha. dahil sa pagiging domenante parin ng sanguine pero may paka melancholic ng slight nagiging prone sila sa too much as in too much happiness na napapatears of joy sila pero ilang minuto lang pwede din silang magluksa kahit pusa ng kapitbahay nila, parang baliw-baliwan lang in a true to life story. Kaya nga pwede silang maging artista at take note magagaling at versatile na artista. If they were to be public speakers sila lang siguro ang speakers na magiging accurate sa lahat ng facts at details dahil sa pagiging perfectionist nila. Pero mahirap lang sa kanila di sila marunong bumangon o nahihirapan silang bumangon sa pagkalugmok lalo na pagnaglaho mga pangarap nila.

Sanguine - Phlegmatic (SanPhleg)
The most loving, friendly, helpful and easy to be with sa lahat ng makikilala mo. They tend to be the happy-go-lucky guys. Sometimes nga kung di mo nabantayan ang ugali ng pagiging most loving nito eh baka maeextend pa ito sa ibang tao. Lack of motivation at Self-discipline ang malaking weakness ng mga taong ito. Mas gusto pa kasi nilang makipagsocialize kesa magtrabaho, kaya medyo napakaunproductive ng mga taong ito. Even though they'll get fired for that di parin sila nadodown.. sa kanila kasi nanggaling literally ang katagang laughter is the best medicine for everything.



 

Thursday, May 10, 2012

Temperament: Phlegmatic


Sanguine
Choleric
Melancholic



Ang nasa hulihan ng ating classic temperament at kabilang din sa bracket ng mga Introvert ay ang mga Phlegmatic at personally tinatawag ko silang one liner man.


Bakit one liner man? sila kasi yung mga taong di umiimik sa isang kwentohan nakikinig lang pero pag sila na yung nagsalita tagos kaagad sa puso. Karamihan din sa kanila ay mga easy-going person and tend not to attached to any responsibilities as they can parang di nilalagyan ng effort ang kanilang ginagawa. Pero sila ang may pinakamagaling magbalanse sa apat, kaya niyang samahan o di kaya'y kutyain ang tatong temperament ng walang kahirap-hirap. Sila din ang mga taong nabubuhay sa paulit-ulit nalang, yung mga taong masaya na sa isang routine life, at changes ang kanilang malaking kalaban nasanay na kasi sila at nahihirapan silang bumangon at umiwas sa nakasanayan na, but take note don't underestimate them kasi kahit binansagan silang tamad they have the potential to work under pressure kasi di sila madaling naprepressure di tulad ng ibang temperaments.

Karamihan din sa kanila ay mga passive aggressive yung mga taong walang pakialam at walang imik bagay na ikinalulungkot ng mga choleric dahil sila lang ang temperament na nahihirapang icontrol ng mga choleric. Pero kahit ganoon sila eh napaka faithful friend din nila, pasensyoso at nakikinig lang sa iyong hinaing, bagay na kinakailangan ng mga babaing melancholic.At sila din ang kadalasang minumungkahing mga mysteryosong tao dahil sa kanilang katangiang di umiimik.

Pero magaling din silang magbitaw ng mga linyang wagas, may dry sense of humor kasi sila kaya kahit anong pagpapatawa ang kanilang ginagawa wala kang makikitang smile sa kanilang mukha kahit na basag na kayo sa kakatawa, na minsan din ay nakakasakit na isa yan sa mga ability ng mga phlegmatic. Pero kung seryosohan ang pag-uusapan pwede silang maging expectator in life kaya nga magaling silang mga tagapagpayo.


Phlegmatic Strength
  • Witty
  • Dependable
  • Efficient
  • Patient


Phlegmatic Weakness
  • Slow and Lazy
  • Teaser
  • Selfish and Stubborn
  • Indecisive


Best Career for Phlegmatic
  • Accountant
  • Teacher
  • Counselor
  • Engineers
  • at di kailangan ng effort at paulit-ulit lang





Wednesday, May 9, 2012

Temperament: Melancholic

Sanguine
Choleric


Dahil tapos na tayo sa dalawang Extrovert doon naman tayo sa mga Introvert o mga taong mahiyain.. Unahin na natin ang mga emo ang Melancholic.

Mula sa Flickr

Emotion ang pinanggagalingan ng lakas ng mga melancholic na tao... sa atin sila yung tinatawag nating mga emo. Pero mostly sa kanila nanggagaling ang mga genius na tao. Normal lang sa kanila ang pagiging sensitibo at hindi na natin mababago yun, bagay na kinagagalit naman ng mga choleric sa kanila. Mahiyain at mas gustong mapag-isa, may mga kaibigan din sila and take note napakafaithful nila yun nga lang di sila lumalapit para makipagkaibigan ikaw mismo ang kusang lalapit sa kanila at doon mo pa lang malalaman ang binabanggit ko. Kung prone sa ang mga choleric sa pagiging depress dahil sa trabaho, sila naman ay normal sa buhay ang madepress kahit sa kunting bagay lang.

Tunay na malikhain ang mga taong ito, ginagawa kasi nilang inspirasyon upang makalikha ng magagandang bagay lalo na sa arts ang kanilang pagiging malungkutin. Mas marami silang nagagawang bagay kaysa nung sila'y masaya. Nakakalito din ang mga melancholic paminsan-minsan lalo na pagsilay masaya, dahil lumalabas ang pagkasanguine inside them dahil kung masaya sila kailangan makikisimpatya ang mga taong nakapaligid sa kanila, pero pagmalungkod naman lumalabas ang pagkaemo.

Perfectionist din ang mga taong ito, kailangang planuhin at ianalyze ang lahat ng gawain bago ito trabahuin, kung saan binubusisis muna upang lumabas ang natural na ganda. Di tulad sa choleric na okay-okay lang para makarami, sa kanila naman one at a time lang para naman gumanda pa lalo at matuonan ng pansin. Boy Scout/Girl Scout din pagdating sa mga trip ang mga ito, di nila gustong di nakahanda ang lahat ng bagay bago sila pupunta o bago sila umalis.



Melancholic Strength

  • Sensitive
  • Perfectionist
  • Faithful Friend
  • Self-Sacrificing

Melancholic Weakness

  • Self-Centered
  • Pessimistic
  • Moody
  • Revengeful

Best Career for Melancholic

  • Artist
  • Musicians
  • Composers
  • Inventors
  • Philosophers
  • Scientist
  • Theoreticians
  • Theologians
  • Education
  • at mga trabahong mostly derive from passion


Tuesday, May 8, 2012

Temperament: Choleric

 Sanguine



Nabibilang ang sanguine sa pagiging extrovert kasali narin dito ang pagiging choleric...

Mula sa Flickr
Maadhikain, determinado, nangingibabaw, agresibo, at lahat ng katangian na makikita mo sa isang leader, iyan ang mga Choleric. Independent ang mga taong ito, di mo na sila kailangang utusan o pakiusapan dahil may mga plano na sila kung anong gagawin o anong dapat gawin. Di mo din sila madaling macontrol dahil ang mga taong ito ay may sariling utak at sariling idea. Sa isang team madaling makilala ang mga taong ito, dahil sila kasi palagi ang nag-leleader leaderan na minsan pagnasobrahan nagiging bossy.

Natural motivator din ang mga taong ito, palaging nag-iinspire ng tao lalong-lalo na sa work place, kaya nga sila yung pinagkukuhanan ng lakas ng loob ng mga kasamahan kasi di sila marunong bumitaw sa isang task at di madaling madiscourage, mapursigido ika nga.

Goal-oriented at time conscious din ang mga taong ito, kailangang tapusin ang dapat tapusin. Pero di din sila perfectionist mas gusto nilang maraming ginagawa kesa isa-isang tapusin ang mga nasimulan. Kaya kung sa kabusyhan ang pag-uusapan prone ang mga choleric dyan pero di parin sila napapagod. Pero dahil magaling silang administrator pag sa tingin nilang di na nila kaya or boring na yung trabaho pinapasalo na nila sa iba ang trabaho nila ng walang kahirap-hirap.

To the nth level din ang mga choleric, kung hindi masyadong osi eh masyadong pabaya naman, pranka at minsan walang mga puso dahil nacocornihan sila pagginagamitan ng emotion ang isang bagay at kailangan mo pang timplahin ang mood nito. Madali din silang mabored sa trabaho kaya naghahanap ng maraming trabahong nachachallenge sila. Di din sila nauubusan ng activity para sa coworkers nila para naman maging masaya at maaliw ng slight ang coworkers nila.


Choleric Strength
  • Strong-willed
  • Practical
  • Leader
  • Optimistic


Choleric Weakness
  • Hot-tempered
  • Cruel
  • Impetuous
  • Self-sufficient
  • Prank

Best Career for Choleric
  • Developer
  • Administrator
  • Construction worker (Foreman, project supervisor)
  • at mga trabahong practical at may makikitang resulta

Monday, May 7, 2012

Temperament: Sanguine

Matapos ang entry ko kay Bino, punta naman tayo sa iba't-iabng klasi ng katangian ng tao..

Marami na sa atin dito ang nakakaalam kung ano ang temperament o ugali ng tao. Kadalasan dito natin binabase kung ano ang pag-uugali natin, kung tayo ba ay isang aktibo at bibo o di kaya'y mahiyain at di umiimik.

Maraming theory meron tayong old classic four temperament kabilang dito yung sanguine, melancholic, choleric at phlegmatic. Meron din naman tayong kay Myers-Briggs personality indicator kabilang naman dito kung ikaw ay isang artisan, idealist, guardian o isang rational.

Bago natin lahatin ang tungkol dito.. unahin muna natin ang mga Sanguine

 
mula sa Flickr

Sila yung mga tinatawag nating People person, masayahin, makulit, di nauubusan ng confidence, makakapal ang mukha, sales talker, palakaibigan, madaling makisama, maaalalahanin, at adventurous. Sila din yung  mga taong hindi KJ, alaging naghahanap ng bagong hobby sa buhay yun nga lang madaling magsawa lalo na pag may nahanap na silang bagong pagkaka-abalahan.

Party goer din ang mga sanguine, mahilig makipaghalubilo, parang boring ang life kung walang taong kausap o kasama, at maraming kakilala. Yun nga lang dahil sa sobrang dami ng kaibigan nito minsan napag-iiwanan na yung iba.. pero huwag kang magalit kasi isa yun sa mga kahinaan nila ang di maiwasang di mapansin yung iba..

Isa din sa kahinaan ng mga sanguine ay ang pagiging makalimutin dahil naman kasi mahilig silang managinip ng gising, palagi din silang late at may katangian din silan naghahabol ng oras. Pero di nauubusan ng idea ang mga taong ito dahil gusto nilang parating masaya, may kabuluhan at inienjoy lang ang bawat trabahong binibigay sa kanila.

Sanguine Strength

  • Enjoying
  • Optimistic
  • Friendly
  • Compassionate


Sanguine Weakness

  • Restless
  • Weak-Willed
  • Egotistical
  • Emotionally Unstable


Best Career for Sanguine

  • Sales Representative
  • Entertainers
  • Actors
  • Emcee
  • Auctioneers
  • At mga trabahong palaging nakaharap sa maraming tao

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...